Home

LOCKED

May 4, 2006

Hey! it has been years since i posted my last entry here. hehe. i’ve been very busy nowadays since i’m concentrating on my college entrance test review or what we call the cetr in msa. argh! my summer is utterly o-v-e-r. my review started last april 25. t-th-s nga sched ko pero super haba ng assignments so i spend the whole week studying and working on my assignments. but i think it would be worth it since magaling naman magturo yung teachers. they make sure we’ll pass the universities and colleges. *talaga lang ah* anyhoo.. i have this experience to share with you- an experience that i will never forget. this experience is somehow bizarre, comical and at the same time inspiring. well here it goes.
 
yesterday my mom and i went to my school for enrolment (by the way my section’s mere maria rouyre my sister’s sction way back when she’s still a senior) but before we get there in school, we spent almost an hour looking for my report card which is needed for the enrollment. grabe! i even called my ate (who is in school) to ask if she happened to see my report card. haha! grabe! muntikan na na hindi natuloy yung lakad nmin. fortunately, after years of searching, my mom found it! so natuloy na lakad namin. we took the lrt since wala mag ddrive samin. so aun. we went there sa school, enrol, tapos we decided to have lunch tapos nag take out para kay ate. and here’s the climax of our story. we arrived home. tapos…. LOCK YUNG GATE!  ++to be continued++
 
kabitin ba? sorry nman.. inaantok na ko eh.. haha. wait.. i’ll leave you thins question para may clue kayo sa continuation ng story ko.
 
eh ano ngaun kung lock yung gate?!?
a. may may keys naman eh.
b. bubuksan nmn ng labandera yung gate
c. hindi kami makakapasok.
 
if you know the answer, just key in YZA_space_the letter of your answer_space_name_space_ address_space_phone number_space_your favorite color_space_your birthday_space_your crush’s name_your definition of love_space_your most unforgettable moment  and send it to 09225814124
 
haha! just kidding! 
  (more…)

Posted by yzabelle at 11:27 pm | permalink | Add comment

Ateneo here i come!

April 19, 2006

kahapon, naghanap kami na mapageenrollan ko para sa sa college entrance exam review ko. una pumunta kami sa dating pinagreviewhan ni ate. tapos pag-punta nmin dun, wala na dun. so sabi ni mama maghanap kami sa katipunan since malapit sa bahay. pero uminit ung ulo ni lolo kasi sabi daw tawagan daw muna ung review center. kasi baka pag-punta namin dun sa katipunan, maghanap n nmn kami. sayang daw sa gasolina. kaya umuwi muna kami. tapos nag net si mama naghanap ng review center. tapos napuntahan nia ung MSA review center. since sa katipunan un, dun nlng. kaya pinuntahan namin ung MSA. tapos nag-enroll na dun. sabi ni mama mag-aral daw ako ng mabuti para pumasa ako sa Ateneo. sabi nia “naku, yzabelle, seryosohin mo pag-aaral mo ah! mag review ka ng mabuti! dapat makapasa ka sa Ateneo o kaya UP.” waaahhh!!! na pressure ako bigla. sabi ko, “cge, paduduguin ko ilong ko, makapasa lang sa ateneo.” hahaha!!!! ang drama! so aun. dapat makapasa na nga sa ateneo. super katapat lang ng MSA ung ateneo. masisilayan mo nga dun yung napakalaking blue eagle dun. so may motivation akong mag-aral. haha! malay nio, balang araw, mabasa nio nalang na nagkkwento na pala ako tungkol sa buhay ko bilang atenista. kagabi, pinag-usapan nga nmin ung tungkol sa ateneo thingy. sabi ko, “ma, eh ano nmn kukunin ko?” gusto ko sana psychology kaso lang wala daw pera dun. so kumuha ang ng opinions ng aking kapamilya. sabi ni tita joy, mag political science nlng. shet! mamamatay muna ako bago makagraduate! bobo ako sa memorization! ****i*a nmn o! laki ng expectations sakin! mabuti pang mamalimos nalang ako, cguradong may PERA dun! haha! seriously, ano ba tlga gusto kong kunin? kung may opinions kayo, sabihin nio sakin. ano ba talaga kukunin ko!?!??!?! 

kaninang umaga, pagkagcing na pagkagcing ko, bigla nlng tinanong ni tita na, “oh ano, pol sci ka na tlga?” waaah! mamatay na.

Posted by yzabelle at 12:46 pm | permalink | Add comment

genesis

yeah, may bago na kong blog (forget  about xanga or whatever but i still have my multiply]

aun n nga. i have loads of things to tell you guyz. boring man ang summer ko, marami pa rin nangyari n mga bagay bagay. let’s start from the VERY BEGINNING.

April 13 [maundy thursday]

dumating yung tita ko from australia (ng wala akong kaalam-alam na ngaun pla xa darating] to spend her summer with us [nag-graduate kasi xa sa university dun tapos napili nia na icelebrate ung grad nia dito]. parang nakatulala lng ako tapos bigla nlng naging busy ung family ko kasi susunduin nila si tita sa airport! wohoo! so aun n nga. around 10 pm yata dumating na sina lolo and with tita joy. xempre may pasalubong! haha [user ba?] unti-unting nilalabas ni tita ung mga pasalubong sa maleta nia habang kami ay nakatitig sa nilalabas na parang inaantay na makuha yung numero na tinaya sa lotto [gets? imagine guyz, imagine!] tapos ayun n nga ‘first prize’ CADBURY MILK CHOCOLATE EASTER EGGS! haha! taun-taon nlng meron kami nian. tradisyon na yata yun samin eh. so let’s move on. ’second prize’ 5 packs ng TIM TAM na may kasamang 2 packs ng biscuit [NICE yata yung brand nun eh, meron nun sa mark’s and spencer] haha! [cge tawa lng, tignan lng natin kung hindi pa kami tataba nian] ‘third prize’ isang tambak ng new ish na magazines! haha! kung baga, lahat nian ay consolation prizes lang yan. dumayo tayo sa MAJOR PRIZES. ung major prize IBM LAPTOP! tapos, may natanggap din kami ni ate (each)  na jewelry holders. [haha! in fairness, ang cute ng design, blue ung akin pink ung kay ate.] tapos ano ba pa? oh yeah, kung may jewely holder, dapat may jewelries! yeah! may natanggap akong necklace [hey! pure silver un!] with mix and match pendants [haha!] tapos si ate nmn, 3 or 4 pairs of earrings yata tapos may bracelets din. haha! tapos, ano p ba? PABANGO! [hindi ba mawawala un!?] 

April 14 [good friday]

naka schedule kami ng 1 pm na mag-overnight  sa la vista pansol resort in laguna. so nagready kami sa morning tapos nag visit sa church then we hit the road! so aun, saya nmn on the way. kaso lng pag dating sa laguna, mejo nawala pa kami, hindi namin makita yung resort! so nagtanung-tanong kami sa mga taga laguna kung nasan yung resort [we spent almost an hour para lang hanapin un] tapos aun n nga, LA VISTA RESORT! eh di pumunta na kami dun, nakarating kami ng 12nn. josko! sabi daw dun sa information cnter, nagpareserve nga kami na magswimming dun pero hindi nagpareserve na magovernyt! aw shit! so nagpareserve na nga eh kaso lng kailangan daw linisin yung room kaya naghintay pa kami. 2 hours kami na nasa car naghihintay tapos super init pa! nanood nlng kami ni ate ng movie sa laptop. so ayun na nga, 2 pm! yay! ready na yung room namin. so pagdating namin dun, ****i*a! cottage! COTTAGE! COTTAGE! air conditioned nga yung room pero bulok naman ung air con! tapos super dumi ng cr! shit! tapos may private pool nga eh super dumi kaya!!! parang ilog! malala talaga ung room eh, mukhang dorm! grabe! 4 na double deck yung nasa room tapos alang tv may isang salamin lng at aparador [hindi ko talaga alam kung matatawa ako o maiiyak] nung una namin nakita ung room, walang nag-react pero kung mapapanood nio lang kami sa tv, cguradong may tig-isang speech bubble kami na ang laman ay puro reklamo at mura. pwedeng pang reality tv show. pwede ngang title ay “PAMILYANG MALAS” heto, para mas maintindihan nio, let’s assume na ganito ung lamang ng speech bubble nmin,

lolo: putang ina! ang dumi! ready n nga akong magswimming tapos ang dumi pa ng pool!

lola: susmaryosep! ang cr! napakadumi! akala ko ba nilinis na to?

tita boots: shet! ano b yang air con! hindi umaabot sa side ko!

mom: ano ba yan, pagod n nga ako bibigyan pa ko ng problema! 

tita joy: wrong time, wrong place, wrong lahat!

ate: oh. my. god. ano tong napuntahan natin? hindi ko ineexpect na ganito titirhan natin!          gusto ko na umuwi!

AKO:  *censored*

ha. ha. nakakatawa nga. pero hindi ba nakakainis din? ang tagal namin hinanap ung resort, nagbayad na kami, tapos nahintay pa kami ng 2 oras tapos ganito ung mapapala nmin? at hindi lang yan ung dumagdag sa problema, nakalimutan ung snacks at ung iba pang necessities sa bahay! OO. MALAS nga ang tawag jan.

so un n nga, nagcmula kaming i-voice out ung mga reklamo namin dahil cnimulan ni lola. nireklamo kasi nia ung cr sa caretaker [na mukhang may sore eyes pa] tapos sumunod na si lolo kasi magsswimming na daw xa tapos biglang nakita ang dumi ng pool [and take note, may vandal pa ng pangalan sa may shower]. tapos sumunod na si tita boots, si mama si tita joy at kami ni ate. so aun. isa lng nmn ung solution na pumutok sa mga speech bubble nmin “REFUND”. pumunta agad sina tita joy dun sa information tapos tinanong kung refundable. refundable nga pero hindi fully refundable. nagwalk out nlng kami dun sa resort tapos tinanong ni mama kung how much yung refund. at nasabi nlng tita joy ay; “don’t ask.” so aun. umalis kami sa resort nang hindi man lang naka tikim ng pool. para hindi sayang yung lakad namin, nag food trip nlng kami sa mga gasoline stations. haha! so aun, nakarating kami sa bahay ng tumatawa, dinaan nlng kasi nmin s lokohan tulad ng:

tita joy: uy jaja[ako un] nangitim ka sa kasswimming ah! haha!

ate: grabe! ang sakit ng arms and legs ko kasswimming! haha!

ako: sarap sa pool! hmmmmmm!!!

hoi! blog to pwede ko sabihin kung ano man ung gusto kong sabihin.kung kaw man ung may ari ng resort at nabasa mo to, wala ako intensyon na sirain ung napakaganda mong resort. kung tutuusin, baka ilan lng kami sa mga taong naloko nio. sana naman aksyunan nio yung resort nio!  

April 15 [black saturday]

pumunta kami sa duty free! xempre! cno b nmng balikbayan ang hindi dadaan sa duty free diba? so aun. nagshopping kami, bumili kami ng walang kamatayang chips and chocolates tapos ako nmn, bumili ako ng havaianas. habang nandun kami ni mama sa section na yun, may nakita ang lalaki na saksaksan ng gwapo na bumili ng tsinelas. cguro mga 16 rin xa or 17. haha! ala lng, kasama nia family nia na super ingay! ang ingay ng mom yata nia! etoh ung isa sa mga pahayag na narinig ko sa mom ng lalaking gwapo, “uy! sinong nagsabi ng HAVAINAS? nakakahiya ka ah! tignan mo ngang mabuti!? havaynas ba basa jan?” haha! natawa talaga ako dun sa sinabi nia. pero naawa ako dun sa kanino man nia sinabi un. nagpahiya pa kasi ng tao. haha! pero ang cool ng mom ng lalaking gwapo na un ah! HAHA! whew! after ng havaianas thingy, kumain n kami sa food court. tapos meron dun nagtitinda ng guitar. sabi ko kay mama tanungin nmin ung price so pumunta kami sa gutar stand. tapos 1,800 ung acoustic guitar tapos 2,500 nmn ung electric acoustic guitar [di ko lam kung ano tawag sori lng.] tapos sabi ni mama kung may nagustuhan b daw ako kasi para mabili na. eh ung nagtitinda, inabot nia sakin ung 2,500 na guitar. pinatry nia sakin. so tumugtog ako. shet ang ganda ng tunog! bibilin ko na sana kaso lng, ang baduy ng design! dark brown xa na may floral design na prang makaluma! josko! so naasar ako plus ang kulit pa ng nagtitinda. so nagwalk out kami ni mama.  tapos after kumain, umuwi na kami. tapos nadaanan nmin ung tiendesitas. sabi ni tita joy, may imimeet nia ung long-time-no-see friends nia dun sa max’s tonight. so paguwi sa bahay, nagpalit si tita joy ng “more appropriate” na clothes tapos si tita boots ung maghahatid kay tita joy tapos sabi nia kung gusto ko sumama so sabi ko sasama ako. so kaming tatlo pumunta sa tiendesitas [hindi na sumama si ate and mama, pagod na daw kasi]. tapos habang nag dinner si tita joy sa max’s, nag ikot kami ni tita boots sa buong tiendesitas. as in ung buong place! mula sa mga antique shops hanggang sa pets village. so aun, so habng nagiikot kami, may nasilayang akong napakagandang bag! galing daw ung thailand. ‘nabola’ naman ako kaya binili ko. haha! pero cute talga xa! prang bullseye ung print na color blue. haha tapos nag-ikot ikot pa kami, may live band p nga eh. tapos aun, ang cute ng mga tinda. clothes, food, pets, at dami pa iba! may nasilayan pa kong artista! haha! ndi ko lam ung name nia kasi ndi nmn xa ganun ka sikat. sa ‘idol ko si kap’ xa nakikita. basta! ung pretty na girl, basta xa n un. kasama nia family nia. ang cute ng bro nia! yickiee! so aun. meron kami na puntahan shop dun may tinitinda na flip-flops. tapos nakita ko dun same design na havaianas ni ate. tapos tinanong ni tita ko magkano un. tapos sabi ng nagtitinda 120 php. xempre na bigla kami kasi wala pa sa kalahati ung price ng havaianas namin ni ate sa havaianas n un. so tinanong ni tita, “sure ka 120?” so tinignan ko ng mabuti ung flip-flops. tangina! HAVANA ung nakasulat! HAHAHAHAHAHAHAAHAH!!!!! HAVANA! guyz! HAVANA! haha! talagang nasabi ko ng malakas, “uy! hindi havaianas toh! HAVANA!” tapos sabi ng nagtitinda na parang napahiya, “mam, imiteysyon lang pu yan.” tapos umalis na kami sa stall nia. tapos sumabog kami ni tita! tawa kami ng tawa! haha!!!!! nung una, akala 120 lng xa kasi akala ko 2nd hand! haha! tapos ung pala HAVANA! haha! tpos hindi nga lang HAVANA ung nakasulat. etoh: HAVANA all time flip flops! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!! jusko! kaya kayo, tignan nio mabuti ung bibilin niong havaianas baka kung anu na ung nakasulat jan! so aun. natawa nlng ako. haha! tapos mga 10 pm na yata kami natapos. haha!  jusko! HAVANA: all time flip-flops! haha!

April 16 [easter sunday]

yay! easter sunday! dapat mag chchurch kami sa tiendesitas ng 11 am kaso lng naging mabagal ang mga tao-tao sa bahay kaya naisipan nmin na mamayang gabi nlng mag church sa malapit samin. so nagpunta nmn kami sa mega mall kasi maraming kailangan bilin. si ate, bumili ng usb tapos bumili na bathing suit! yickiieee! sexy! haha! tapos ako nmn, bumili ng SKIRT. guyz! bumili ako ng SKIRT! at take note, butterflies ung design! haha! ewan ko ba kung bakit ko bnili. maganda kasi ung design. kung gusto nio makita, punta kayo sa SEVENTEEN n shop. nandun din ung 2 piece ni ate na stripes ung design. haha! summer sale kasi sa cinderella. muntikan n nga hindi ma discountan ung skirt ko eh [tanga kasi ng cashier] so aun. si tita boots nmn, bumili ng mouse para sa laptop nia tapos si tita joy nag hanap ng bagong  selepono. so xempre, inabutan kami ng gutom. kumain kami sa mann hann. vietnamese restaurant yata yun? ewan. basta. nakita namin dun mother ricky reyes. HAHAHAha! ganda ng lola mo! haha! ala lng.  kung makikita mo lng xa. baka hindi mo nanaisin na pumasok sa restaurant. haha! [sama ko ba?] so aun. umuwi rin kami agad kasi napagod kami kalalakad. tapos nagrest ng konti sa bahay tapos nagsimba.  dami tao sa simbahan! wala n nga kami upuan eh kaya buong mass kami nakatayo pero ok lng un, nabuhay ni HESUS! tapos nung communion, xempre, ang haba rin ng pila.

WHO’s the april fool?

so monday, wala ako lakad, pahinga muna. dahil sa wala ako magawa, i decided to read the SUNDAY paper. 1 day late pero ok lng. binasa ko ung column ni bernadette sembrano. who’s the april fool <<-the title was somehow like this. tapos may nabasa ako na hindi ko makakalimutan. may kwento kasi si bernadette dun. may na receive siyang text messsage from FR.-i-forgot-the-name.. pari xa. the text she received was something like this. who is the april fool? JESUS is the FOOL. he is so foolish that he died in the cross for the sins he didn’t do. hindi exactly ganyan na ganyan. pero ganyan ung idea. gets? oo nga nmn. napaisip rin ako. sino ba nmng tao ang mamatay para ma-save ang tao sa kasalanan. kunwari, ikaw, handa ka ba mamatay para sakin kasi gusto mo ko mapatawad ng DIYOS sa kasalanan ko? eh pano kung ninakawan kita, binackstab ka, sinunog ko ung aso mo, inagaw ko ung boyfriend mo? gets? ganun un eh. parang pinatay natin si JESUS sa pamamagitan ng mga kasalanan natin. tapos nagawa pa niang sabihn na, “Father! FORGIVE THEM for they don’t know….” shet! mahiya nmn tayo! ala lng. corny man pero totoo. manood kayo ng Passion of the Christ. tignan lng natin kung sino hindi mababasa ung mga mata.

 

 

 

 

 

 

 

Posted by yzabelle at 12:14 pm | permalink | Add comment

my friends

April 17, 2006

and my sister

Posted by yzabelle at 6:49 pm | permalink | Add comment